Sapnu: Mga pinamigay na computer sets at printer ingatan

August 14, 2012 by  
Filed under Every thing you Need to Know

Sunday, July 22, 2012

NOONG Biyernes ay nakatanggap ang iba’t ibang police stations sa lalawigan ng Tarlac at Aurora ng kani-kanilang mga computer sets (laptop) at printers.

Ang nasabing computer sets at printers ay ibinigay ng Philippine National Police (PNP) Foundation Inc., kung saan si Senator Panfilo Lacson ang chairman nito.

Click here to get the latest Kadayawan 2012 updates.

Subalit siya (Lacson), bilang guest of honor, ay hindi nakarating sa turn-over ng mga computer set na ginanap sa Officers Club sa Camp Olivas. Sa halip ay si Senator Gregorio “Gringgo” Honasan ang personal na nagbigay ng mga computer sets.

Si Chief Superintendent Edgardo Ladao, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang pormal na tumanggap sa mga computer sets at kanyang ibinigay sa mga recipients ng Tarlac at Aurora Pollice. At dahil taga-Tarlac at Aurora ang recipients ng mga computer sets, dumating doon sina Senior Superintendent Alfredo Corpus, police provincial director ng Tarlac at Senior Supeirntendent Benjamin Hulapis, police provincial director ng Aurora.

Ang mga ibinigay na mga computer sets ay gagamitin para sa E-blog ng PNP na inilunsad ni Chief PNP Director General Nicanor Bartolome nang siya’y maupo bilang chief PNP.

Sa panayam kay Honasan, dapat daw gamitin sa tama ang mga computer sets at ingatan ang mga ito dahil bahagi ito ng kanilang trabaho.

Pinsalamantan naman ni Ladao ang PNPFI sa pagbibigay nilang donasyon ng computer sets.

Ang sabi pa niya, ang mga ito ay malaking bagay sa PRO3 dahil hindi naman kaya ng pamunuan ng PNP na makapagbigay ng mga computer sets sa lahat ng mga police station sa bansa.

Isang lagdaan ang ginanap ng mga recipients ng computer sets kabilang sina Ladao, Corpus, Hulapis at sina Honasan at Director (retired) Victor Batac, executive officer ng PNPFI.

Panawagan po sa mga nakatanggap ng computer sets, sana huwag ninyo iuuwi sa inyong mga bahay ang mga iyan. Dahil laptop ang mga ito ay madali itong iuwi.

At dahil inaasahan na darating si Lacson sa nasabing aktibidades, nagsidating ang lahat ng mga provincial at city police directors sa araw na iyon.

Mga hepe at Pampanga police officers ipinatawag

Dahil sa mga sunod-sunod na crime incidents sa lalawigan ng Pampanga, pinatawag  ni Gobernadora Lilia “Baby” Pineda ang lahat ng mga hepe at mga Pampanga police officers noong Huwebes ng hapon.

Mukhang naaalarma na si Pineda sa mga sunod-sunod na shooting incidents na kagagawan ng unidentified armed riders-in-tandem.

Matatandaan na unang nangyari ang shooting incident noong Hulyo 17 nang barilin at mapatay ng riders-in-tandem si PO1 Andrew Carreon nang pasukin ito sa kanyang residente sa Purok 5, San Pedro Cutud, City of San Fernando.

Sumunod naman ang robbery/holdup sa GML hardware sa Barangay Sto. Nino, sa nasabing lungsod nang dakong 1:40 ng hapon.

Sa araw din na iyon, binaril at napatay din ng riders-in-tandem si Alann Lorezo ng Barangay San Juan, Mexico.  Siya’y nakasakay ng motorsiklo at habang binabaybay niya ang Arayat-Magalang road ay hinarang at pinagbabaril ng mga suspek.

Ito ang dahilan kaya pinatawag ni Gob Pineda ang lahat ng hepe ng Pampanga kabilang na rin si Senior Superintendent Edgardo Tinio, police provincial director at kanyang mga staff officers.

Nagsimula ng dakong 2 p.m. ang pagpupulong na ginanap sa Executive House ng Kapitolyo na umabot ng hanggang 6 p.m., ayon sa source ng Dateline.

Ang biro nga ng source, sinabon yata ni Gob ang mga police officers dahil sa sunod-sunod na crime incident sa Pampanga.

Pero biro pa rin ng source, nakangiti naman daw lumabas ang mga ito pagkatapos ng sermon. Bakit kaya? Nagtatanong lang po…

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on July 23, 2012.

Sun.Star on social media DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!